RadarURL An Accountant's Diary
Ghost

Ang Love at Pain package na yan. Dapat matuto kang tanggapin pareho.

Nakakagigil pag nagbabasa ako ng accounting at law books tas may mababasa akong THIRD PARTY!

Badtrip.
Here comes my bitter side. Hahaha

Fast forward please! 😓😓😓#fonta #fontaapp @fontaapp #typography

Fast forward please! 😓😓😓#fonta #fontaapp @fontaapp #typography

Pede po ba paki describe kung gaano kahirap accountancy? Kasi po magfifirst year college pa lang po ako and I'm planning to take this course, curious lang po ako dahil obvious naman po talaga na napakaraming nahihirapan. Well, sa anong dahilan po kaya? Anonymous

Describe kung gaano kahirap ang accountancy? Hmmm feels like blood sweating! Lol just kidding!

Nakooo wag ka pangungunahan ng takot. If gusto mo talaga mag accountancy, go for it. Mahihirapan ka syempre kasi hindi naman talaga biro itong course na ito. Pero yung journey kasi yung masaya. Mahihirapan ka pero eventually mag eenjoy ka and mamahalin mo na sya.

:)

Is it really hard po ba na mag Accountancy? I'm incoming freshman this school year and I'm still having second thoughts :( Anonymous

Wala naman po ata madaling course :) Pursue accountancy… Its hard but its worth trying!

Pabili po ng 1 gallon ng Anesthesia. Try ko lang inumin baka mawala na yung sakit :’(

Rawr!!!!

Dear Accounting,


Pagod na naman ako. Ang dami dami mo naman kasing pinagagawa. Napagkakamalan na nila akong may black eyes sa laki ng eyebags ko. Paano naman ako di magkakaeyebags eh kung magpa “quiz” yung titser ko tungkol sayo cover to cover. Buti sana kung lahat ng topic kasama. Ang mas nakakalungkot pa minsan ay yung di ko nabasa yung madalas na naisasama.Nakakapanghina. Nakakapanglumo.

Umiyak na naman pala ako kagabi alam mo ba. Lagi mo akong pinapaiyak nakakaasar ka na. I tried to understand you but seems na lagi nalang kulang. To tell you the truth, lumagapak ako sa Auditing Problem at Practical Accounting II. Nagreview ako alam mo yan pero bakit ganun tila hindi pa sapat at lagi nalang may kulang. Babawi ako, tandaan mo yan. Kilala mo ako, hindi porke’t nadapa ako ng isang beses di na ako tatayo. Lalaban pa rin ako. Ang mahalaga naman diba binigay ko yung best ko. Tiwala lang at pananalig. Alam ko kayang kaya ko ito.


Sincerely,

Certified Pyutur Accountant

(Source: dearaccounting)

Accountancy as misunderstood by many

1. Hindi ito madali yan ang unang masasabi ko.

2. Hindi ito yung course na sasabihin mong, “wala na kasi akong choice” dahil para sa akin ito ay ang course na pinag-isipan at dapat ay pinaghahandaan.

3. Hindi ito yung dahil magaling ka sa math ay ito na ang kukunin mong course dahil hindi simpleng multiply, add, subtract o divide ang ginagamit dito. Higit pa sa mga fundamental operations na yun, analysis sa transakyon at galing sa pag unawa ng english ang dapat na kailangan.

4. Hindi ito para sa mga taong hindi sanay sa puyatan at matinding aralan dahil makakapal na libro at sandamakmak na problema ang kailangan mong sagutan para mahasa ng lubos ang iyong isipan.

5. Hindi ito para sa mga taong mahihina ang loob dahil may mga pagkakataong masusubukan ang iyong pasensya at lakas ng loob.

6. Hindi ito yung course na magpapass ka lang ng project o bibili ng kung ano ay papasa ka na.

7. Hindi ito para sa mga taong laging umaasa sa tyamba, hula at swerte. Marahil simpleng a, b, c, d or e nga lang ang option sa board exam, pero tandaan mas lamang ang may alam.

8. Hindi ito natatapos sa simpleng pagkamit mo ng diploma sa kuntadurya, dahil mas fulfilling kung napasaiyo at naiduktong sa pangalan mo ang minimithing tatlong letra.

9. Hindi sa bangko ang bagsakan ng mga nakatapos ng accountancy. May apat na sektor kaming pwedeng puntahan. At pakiusap, hindi po kami laging tagabilang at tagahawak ng pera.

10. At higit sa lahat, hindi ito para sa mga taong madaling sumuko. Oo may pagkakataon na panghihinaan kami ng loob at maiisip na sumuko pero hanggang may naniniwala sa aming kakayahan…walang laban kaming aatrasan.


(Source: dearaccounting)

AND WE CALLED IT…FORCE BALANCING >:D

CPAs Hub